Mga indibiduwal na nabigyan ng Sinopharm COVID-19 vaccine, maari nang tumanggap ng booster shot
Maari nang makatanggap ng COVID-19 booster shot ang mga indibiduwal na Sinopharm vaccine ang pangunahing bakuna.
Ayon kay Palace press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nabigyan na ang naturang bakuna ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) at gabay mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC).
Pwede na rin aniyang maiturok bilang booster shot ang Sputnik Light.
Paalala ng health official, inirerekomenda ang booster shot sa mga may edad 18-anyos pataas.
Nilinaw din nito nakadepende pa rin sa available na bakuna sa mga vaccination site sa iba’t ibang lugar.
Pagdidiin pa ni Vergiere, hindi pa maaring magpaturok ang mga buntis at nagpapa-breastfeed na ina ng Sinopharm at Gamaleya Sputnik V bilang booster shot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.