11:19AM Inquirer unofficial results

1119AMTumuntong na sa mahigit 14 million ang botong nakuha ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo batay sa latest unofficial count mula sa transparency server.

As of 11:19 ng umaga, si Robredo ay nakakuha na ng 14,003,003 na boto habang si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay nakakuha na ng 13,779,849.

Sa ngayon nasa 223,154 ang lamang ni Robredo kay Marcos.

Ang nasabing bilang ng boto ay kumakatawan sa 95.92% ng mga Election Returns na naiproseso na ng transparency server.

 

Read more...