Inihanda ang naturang eksaminasyon ng Board of Architecture, sa pangunguna ng chairman nito na si Arch. Robert Sac at board member na si Arch. Robert Mirafuente.
Isinagawa ang eksaminasyon sa Manila, Baguio, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong January 21 at 23, 2022.
Nailabas ng PRC ang resulta makaraan ang apat na working days matapos ang huling araw ng eksaminasyon.
Mula March 7 hanggang March 15, 2022, maaring magpa-register para sa Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration via on-line.
Maari lamang puntahan ang website na www.prc.gov.ph at sundin ang mga tagubilin para sa initial registration.
Kailangan lamang dalhin ang Oath Form o Panunumpa ng Propesyonal, notice of admission, dalawang pirasong passport-sized pictures (colored na may puting background at kumpletong pangalan), dalawang set ng documentary stamps at isang pirasong short brown envelope.
Sinabi ng PRC na antabayanan ang susunod na anunsiyo ukol sa petsa at lugar ng mass oathtaking para sa mga nakapasa sa naturang licensure examination.