Sen. Poe, kinuwestiyon ang pagpasok ng mga pekeng pera sa ATMs

By Jan Escosio January 28, 2022 - 11:44 AM

Sa ngalan ng publiko, binuweltahan ni Senator Grace Poe ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa babala ukol sa mga pekeng pera na inilalabas ng automated teller machines (ATMs).

Diin ni Poe, hindi dapat problemahin ng publiko ang isang bagay na dapat nireresolba ng BSP.

Ipinagtataka rin ng senadora kung paano naipapasok sa ATM ang mga pekeng pera.

“The burden of distinguishing counterfeir bills emanating from banks from genuine ones should not be placed on depositors,” diin pa ng namumuno sa Senate Committee on Banks.

Nararapat lang aniya na may sapat na mekanismo ang mga bangko para matiyak ang pera ng kanilang mga kliyente.

“As keepers of the people’s money, banks must at all times ensure state-of-the-art defenses against security breaches,” dagdag pa ni Poe.

TAGS: atm, BSP, GracePoe, InquirerNews, RadyoInquirerNews, atm, BSP, GracePoe, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.