Kaso ng COVID-19 sa PNP, unti-unting bumababa

Unti-unting bumababa ang naitatalang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Nasa 139 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng nakahahawang sakit.

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (January 28), 47,897 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,862 ang aktibo pang kaso.

320 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 45,909 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 126 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...