Bilang ng COVID-19 cases sa mundo, sumampa na sa higit 366 milyon
Pumalo na sa 366 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 366,694,242 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 74,695,333 cases.
Sumunod na rito ang India na may 40,620,197 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 24,782,922 naman ang kaso sa Brazil habang 18,122,724 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 16,245,474
– Russia – 11,404,617
– Turkey – 11,250,107
– Italy – 10,539,601
– Spain – 9,660,208
– Germany – 9,334,637
– Argentina – 8,207,752
– Iran – 6,293,695
– Colombia – 5,816,462
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,656,642 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 289,771,407 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.