WATCH: Misa inialay sa unang anibersaryo ng Kentex tragedy

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Nagdaos ng misa lang ng pagselebra ng banal na misa para sa 72 manggagawa ng kentex manufacturing na nasawi sa trahedya eksakto isang taon ang nakakalipas ngayon.

Sa kanyang homily, inahalintulad ni Fr. Rudy Abang ang mga nasawing manggagawa kay Hesukristo.

Aniya dahil sa trahedya mas nabigyan pansin ang mga hinaing ng mga manggagawa katulad ng mababang pasahod, kawalaan o kulang na mga benepisyo at hindi ligtas na lugar ng pagtatrabaho.

Kapansin-pansin na ilan sa mga kaanak ng mga biktima na dumalo sa misa ay hindi napigilan na maiyak habang binabalikan ni Abang ang pangyayari.

Magpapatuloy ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay mensahe ng ilang lider militante at kaanak ng mga biktima, gayundin ang ilang nakaligtas na manggagawa ng nasunog na pagawaan ng tsinelas.

 

Read more...