Sen. Joel Villanueva, positibo sa COVID-19

Senate PRIB photo

Ibinahagi ni Senator Joel Villanueva na positibo siya sa COVID-19 base sa resulta ng kanyang RT-PCR test, Huwebes ng gabi (January 27).

Ayon sa senador, sumailalim siya sa test nang makaramdam ng lagnat at pananakit ng ulo noong Miyerkules.

“Inabisuhan ko na po ang lahat ng aking nakasalamuha noong mga nagdaang araw tungkol sa aking kalagayan at kasalukuyan po tayong naka-isolate,” aniya.

Dagdag pa ng senador, “Dahil bakunado at boosted po tayo, at sa tulong ng panalangin sa Diyos, malaki po ang tiwala ko na malalampasan natin itong balakid na magpatuloy ang trabaho natin sa Senado.”

Sinabi pa nito na nagsisilbing inspirasyon niya sa patuloy na pagtatrabaho bilang kawani ng Senado ang mga manggagawa na araw-araw ay nakikipagsapalaran sa pandemya.

Read more...