Special court para sa mga kaso ng mga pulis ipinanukala ni Sen. Dick Gordon

By Jan Escosio January 27, 2022 - 05:03 PM

Nais ni Senator Richard Gordon na magtalaga ng special court na hahawak sa mga kaso na isinampa laban sa mga pulis.

 

Ayon kay Gordon inihain niya ang Senate Bill No. 2331 sa paniniwalang napakahalaga na mapanagot ang mga pulis sa mga nagawa nilang krimen.

 

Sa pagtatalaga din aniya ng Police Law Enforcement Court (PLEC) mas mapapalakas ang tiwala ng publiko sa sistemang pangkatarungan sa bansa.

 

Diin nito sa ngayon ay takot ang nangingibabaw sa mga alagad ng batas at inuulan din ng batikos ang mga opisyal at tauhan ng pambansang pulisya.

 

Pagtitiyak lamang ni Gordon, hindi isang uri ng pagpaparusa sa mga pulis ang kanyang panukala kundi garantiya na maayos na mahahawakan ang mga kaso na isinampa laban sa kanila.

 

“There exists a significant and overarching constitutional and fiduciary principle that those entrusted with public power are accountable to the public for the exercise of their trust,” katuwiran pa ni Gordon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.