Globe magbibigay ng special messaging service sa mga LGUs na naapektuhan ng bagyong Odette
Bilang tulong sa pagkasa ng community disaster recovery operations ng mga lokal na pamahalaan na lubos na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette, magbibigay ang Globe ng special messaging service.
Sa pamamagitan ng kanilang portfolio company M360, na pinangasiwaan naman ng kanilang corporate venture builder na 917 Ventures, ang Globe ay magbibigay ng A2P o application-to-person messaging sa loob ng 30 araw hanggang Pebrero 28.
Sa pamamagitan ng text-blast ay makakapagpadala ang 83 LGUs ng public advisories sa kanilang mamamayan.
‘We recognize the urgency of bringing messages of hope and clear updates on recovery efforts. With this, we decided to provide free bulk messaging service to affected LGUs through the M360 solution platform,” sabi ni M360 chief executive officer Ramon Hirang.
Kasalukuyan ng tumutulong ang Globe na makapaghatid ng agarang serbisyo sa mahigit 8,900 barangays at 8.35 milyong indibiduwal na labis na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.