Arms Trade Treaty niratipikahan ng Senado

Labing-anim na senador ang sumang-ayon sa ratipikasyon ng Arms Trade Treaty (ATT), samantalang anim naman ang nag-abstain.

 

Una nang sumang-ayon ang Pilipinas sa tratado noong Abril 2, 2013 sa United Nations Assembly at sa ngayon may 110 bansa na ang nagratipika.

 

May 31 bansa pa ang pumirma, ngunit hindi pa nila ito naratipikahan.’black market.’

 

Layon ng ATT na maiwasan at matuldukan ang ilegal na bentahan ng mga armas at upang hindi ito bumagsak sa black market.

 

Pinagtitibay din ng ATT ang sobereniya ng gobyerno na magtakda ng regulasyon sa bentahan ng mga armas sa kanilang bansa base sa sariling legal na sistema.

 

Samantala, ang mga nag-abstain sa botohan ay sina Senate President Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens, Grace Poe, Christopher Go, Ronald dela Rosa at Francis Tolentino.

Read more...