Panukalang magpapalakas sa SK, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara
Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala na layong palakasin ang Sangguniang Kabataan (SK).
Sa ilalim ng House Bill No. 10698, bibigyan ng honoraria at iba pang mga benepisyo at pribilehiyo ang mga opisyal ng SK.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, para maging professional ang SK, dapat binabayaran ang kanilang pagsisikap.
Nakasaad rin sa panukala ang pagbibigay sa SK officials ng barangay official eligibility na ipinagkakaloob ng Civil Service Commission.
Palalawakin naman ang trabaho ng mga SK kabilang ang skills training, youth employment, environmental protection, values education, at iba pang mga programang may kinalaman sa mga kabataan.
Inaasahang pinal na maaprubahan ang panukala sa susunod na linggo.
Positibo naman si Salceda na maisasalang ito sa bicam sa session breaks dahil naaprubahan na ng Senado ang sarili nitong bersyon ng panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.