4 Chinese citizens nagwala, timbog sa gun ban violation

By Jan Escosio January 26, 2022 - 11:16 AM

SPD PIO photo

Bumigat pa ang kaso ng apat na Chinese nationals nang makumpiskahan sila ng baril sa Las Piñas City.

Base sa ulat, bandang 6:30, Martes ng gabi (January 25), nang arestuhin sina Zhao Yi, 32-anyos; Zheng Chao, 32-anyos; Zhuang Zhi, 34-anyos; Li Xue, 32-anyos, pawang negosyante at residente ng Tower 2, Avida Tower, Alabang, Muntinlupa City.

Nabatid na sakay ng black Ford Everest (CAA 7449) ang apat nang masita sa pagpasok ng Gate 1 ng Inner Circle Home sa BF Homes, Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City nang harangin sila dahil sa kawalan ng car pass.

Binangga nila ang gate kaya’t napagsaklolo na ang guwardiya sa awtoridad kasunod ng pagwawala ng tatlo sa mga suspek.

Bunga nito, nakumpiskahan ang apat ng isang .45 pistol at mga bala.

Mahaharap ang apat sa patong-patong na mga kaso, kabilang na ang paglabag sa Comelec gun ban.

TAGS: comelec, gunban, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SPD, comelec, gunban, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.