Marijuana ipinadala sa courier service, buking sa PDEA

By Jan Escosio January 25, 2022 - 07:46 PM

PDEA PHOTO

Natimbog ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki sa Hermosa, Bataan dahil sa pagtanggap ng marijuana.

 

Kinilala ang naaresto na si Christian Jomar, ng Barangay San Pedro, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang PDEA Bataan Office mula sa isang courier service company na isang package mula sa Sta. Rosa City sa Laguna ang hinihinala nilang naglalaman ng droga.

 

Ayon kay PDEA Region 3 Dir. Bryan Babang kahapon ay sumailalim sa physical examination ang package at nadiskubre sa loob ang isang plastic sachet na naglalaman ng 30 gramo ng tuyong dahon ng marijuana.

 

Ang droga ay isiniksik pa sa isang hoodie jacket.

 

Kasunod nito ay ikinasa na ng PDEA ang controlled delivery operation, na nagresulta sa pagkaka-aresto ni Jomar.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.