Sen. Manny Pacquiao ikinabigla ang pagsuporta ng kapatid kay Mayor Sara

By Jan Escosio January 25, 2022 - 07:37 PM

Ikinabigla din ni Senator Manny Pacquiao ang napa-ulat na pagsuporta ng kanyang kapatid na si Sarangani Representative Ruel Pacquiao kay Davao City Mayor Sara Duterte.

 

Unang nagpalabas ng pahayag ang Lakas-CMD na suportado ng nakakabatang Pacquiao at ni Sarangani Gov. Steve Solon ang kandidatura ni Duterte.

 

Si Duterte ang vice presidential candidate ng Lakas-CMD at ka-tandem ni dating Bongbong Marcos.

 

Ayon sa senador ipinatawag na niya ang kapatid para linawin ang ulat .

 

“Hindi ako kinonsulta sa bagay na ito kayat kailangang magpaliwanag dito si Ruel. Bilang pamilya at bilang magkapatid ay kailangan naming magkaisa upang matiyak ang tuloy-tuloy ang labang Pacquiao – Atienza,” sabi pa nito.

 

Kasabay nito, tiniyak ni Pacquiao na buong-buo ang suporta niya sa kanyang ka-tandem na si partylist Rep. Lito Atienza.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.