Higit 33,144 na bagong COVID-19 recoveries, naitala sa bansa

Nakapagtala ng 17,677 na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (January 25), pumalo na sa 3,459,646 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 247,451 o 7.2 porsyento ang aktibong kaso.

Nasa 79 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 53,598 o 1.55 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 33,144 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,158,597 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...