Gobyerno, hiniling ni Sen. de Lima na maging handa sa susulpot pang COVID-19 variants

By Jan Escosio January 25, 2022 - 10:18 AM

Pinatitiyak ni Senator Leila de Lima sa gobyerno ang kahandaan sa posibilidad na magkaroon pa ng pagdami ng COVID-19 cases bunga ng bagong COVID 19 variants.

Dapat aniya laging handa ang gobyerno para maiwasan ang mas maraming namamatay at naghihirap dahil sa sakit.

“Huwag naman na sanang lumala pa ang kasalukuyang pandemya o magkaroon pa ng mga bagong COVID-19 variants. Pero ngayon pa lang mas maigi nang laging handa ang gobyerno, pati na ang susunod na administrasyon sa ganitong mga posibilidad o sa anupamang krisis na maaring sa hinaharap,” aniya.

Nabanggit pa niya ang sinabi ni World Health Organization (WHO) Chief Tedros Ghebreyesus na dahil sa mabilis na pagkalat ng Omicron may posibilidad na may mga sumulpot pang bagong variants ng sakit.

Dagdag pa ni de Lima, dapat handa ang gobyerno sa agarang pagbili ng mga bago at mas mabisang bakuna.

“We must keep up with the latest scientific developments and best practices for us to finally put an end to this pandemic,” ang tweet ng senadora.

TAGS: InquirerNews, leiladelima, RadyoInquirerNews, InquirerNews, leiladelima, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.