Pilipinas, nakapagtala ng 24,938 na bagong kaso ng COVID-19
Nasa 24,938 ang napaulat na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Lunes ng hapon (January 24), pumalo na sa 3,442,056 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 262,997 o 7.6 porsyento ang aktibong kaso.
7,944 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 250,235 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,010 ang moderate, 1,499 ang severe, habang 309 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 47 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 53,519 o 1.55 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 35,461 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,125,540 o 90.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.