145 pang overseas Filipino, nagpositibo sa COVID-19

May 145 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang January 24, nasa 24,518 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 106 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 8,580 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

39 naman ang bagong gumaling kung kaya 14,480 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,458 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 13,307 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,653 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 1,076 naman ang kaso sa Americas at 6,482 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...