DepEd hinikayat ang mga kawani, estudyante na makiisa sa COVID-19 pediatric vaccination

By Angellic Jordan January 24, 2022 - 02:17 PM

DepEd photo

Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga kawani at estudyante na makiisa sa COVID-19 pediatric vaccination drive ng pamahalaan.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahalaga ang pagbabakuna upang maprotektahan ang komunidad at mga kabataan laban sa nakahahawang sakit.

“With additional protection for our stakeholders, we can further implement our safe-return-to-schools initiatives while helping our economy recover,” pahayag nito.

Dagdag nito, “Together with our teachers and learners, DepEd will continue to be a part of our government’s whole-of-nation approach against COVID-19.”

Hinikayat din ng DepEd ang lahat ng field offices na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa patuloy na vaccination drive para sa mga bata at frontliners ng sektor ng edukasyon.

Hinimok din ni Briones ang guro at kawani na tumanggap ng booster shots.

“We are reminding our personnel and offices to not wait since local government units are already vaccinating and giving COVID-19 jabs to their constituents,” saad nito.

Samantala, sinabi ng DepEd Task Force COVID-19 (DTFC) na palalawakin pa ang mga umiiral na patakaran sa paggamit ng mga paaralan bilang vaccination sites.

Hinikayat din ang spaaralan na ginamit noon bilang vaccination sites na magbukas muli para sa pediatric vaccination.

TAGS: COVIDpediatric, COVIDvaccination, COVIDvaccine, deped, InquirerNews, LeonorBriones, RadyoInquirerNews, COVIDpediatric, COVIDvaccination, COVIDvaccine, deped, InquirerNews, LeonorBriones, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.