Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 352.12 milyon

By Angellic Jordan January 24, 2022 - 01:21 PM

Reuters photo

Pumalo na sa 352.12 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 352,129,196 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 71,925,931 cases.

Sumunod na rito ang India na may 39,543,328 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 24,044,437 naman ang kaso sa Brazil habang 16,692,432 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 15,859,288
– Russia – 11,108,191
– Turkey – 10,947,129
– Italy – 9,923,678
– Spain – 8,975,458
– Germany – 8,717,145
– Argentina – 7,862,536
– Iran – 6,250,490
– Colombia – 5,740,179

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,614,790 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 279,852,023 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.