Blackout free Election Day pinatitiyak ni Sen. Risa Hontiveros

Nais ni Senator Risa Hontiveros na tiyakin ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magiging tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente sa araw ng eleksyon sa Mayo.

 

Ito aniya para hindi pagdudahan ang integridad at kredibilidad ng eleksyon.

 

“Kailangan matiyak na tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente sa bansa ngayon darating na halalan. Failure to ensure an uninterrupted power supply will compromise the integrity of our elections,” sabi ni Hontiveros.

 

Ginawa nito ang panawagan matapos magbabala ang National Grid Corp. of the Phils. (NGCP) na maaring mailagay sa red alert status ang Luzon grid anumang oras hanggang Hunyo kayat maaring maapektuhan ang eleksyon.

 

Paalala lang din ni Hontiveros, nagbitaw na ng salita ang Department of Energy at tiniyak na sapat ang suplay ng kuryente bago, habang at pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 9.

Sinabi lang nito na kapag hindi maasahan ang suplay ng kuryente sa araw ng botohan, maaring maantala ang pagboto, gayundin ang pagpapadala ng voting results mula sa polling precints patungo sa servers.

 

Read more...