Reelected councilor sa Maguindanao pinatay

 

Hindi pa man pormal na nakakaupo sa puwesto, pinatay na ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang reelected municipal councilor sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Kinilala ni Chief Inspector Reynato Mauricio Jr., hepe ng Shariff Aguak police ang biktima na si Hadie Malaguial na miyembro ng Liberal Party.

Ayon sa ulat, nakaupo lamang sa harap ng kanyang tahanan ang biktima nang paulanan ng bala ng mga suspek gamit ang Armalite rifle.

Tinangka pa ng mga kaanak ng biktima na tugisin ang mga suspek ngunit maging sila ay pinagbabaril ng mga salarin.

Bukod dito, pinasabugan din ng M-203 grenades ng mga suspek ang lugar upang hindi na sila mahabol ng mga galit na taumbayan.

Read more...