Magnitude 6.1 na lindol, tumama sa Davao Occidental
Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Davao Occidental, Sabado ng umaga.
Base sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 275 kilometers Southeast ng Balut Island (Municipality Of Sarangani) bandang 10:26 ng umaga.
33 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 3 – Sarangani, Davao Occidental
Intensity 1 – Lebak, Sultan Kudarat
Instrumetal Intensity:
Intensity 1 – General Santos City
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala.
Ngunit, asahang makararanas ng aftershocks sa mga kalapit na lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.