Namataang LPA, inaasahang lalapit sa kalupaan ng bansa – PAGASA
May namataang shallow low pressure area (LPA) ang PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,625 kilometers Silangan ng Mindanao bandang 2:00 ng hapon.
Sa ngayon, mababa pa ang tsansa na maging bagyo ang LPA.
Ngunit sinabi ni Ordinario na lalapit ang sama ng panahon sa kalupaan ng Mindanao sa Lunes o Martes.
Maari aniyang magdulot ng pag-ulan ang LPA sa ilang parte ng bansa.
Bunsod nito, pinayuhan ang mga residente na maghanda sa pagpasok nito sa teritoryo ng bansa.
Samantala, makararanas ng pag-ulan sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), at Quezon, Aurora, Bicol region dahil sa pinaghalong epekto ng Northeast Monsoon o Amihan at Shear line.
Kalat-kalat na pag-ulan naman at thunderstorms ang iiral sa Bicol at ilang bahagi ng CALABARZON.
Sa nalalabing parte naman ng Metro Manila at bansa, magkakaroon ng maaliwalas na panahon, maliban na lamang sa isolated rainshowers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.