SWS survey ukol sa pagbaba ng mga ayaw magpabakuna sa bansa, pagpapakita ng kooperasyon ng lahat – Palasyo

By Angellic Jordan January 21, 2022 - 04:10 PM

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na nagpapakita ng kooperasyon ng lahat ang bagong lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa survey na walong porsyento na lamang ang ayaw magpabakuna laban sa COVID-19. Mas mababa ito sa huling datos na naitala noong September 2021.

Ayon kay Cabinet secretary at acting Presidential spokesperson Karlo Nograles, senyales ito na matagumpay ang pagtutulungan ng lahat.

“Senyales ito ng matagumpay nating pagtutulungan, tayong lahat – kayo na nasa media na nagbibigay ng tamang impormasyon, ang then of course government making sure na nandyan ‘yung supplies sa lahat ng regions at ginagawa po natin ang lahat ng hakbang para maging accesible po ang bakuna sa lahat ng areas dito sa ating bansa, and of course, and taong bayan,” saad nito.

Binanggit din nito ang kahalagahan ng tulong at kooperasyon ng publiko sa pagkukumbinsi sa mga hindi pa bakunado na tumanggap na ng COVID-19 vaccine.

Aniya, “Malinaw po na habang dumadami po ang nagpapabakuna at nakikita ng ating mga kababayan na mabisa at ligtas ang mga ito, anumang brand ito, bumababa po ang tinatawag na vaccine hesitancy.”

Sa datos ng National COVID-19 Vaccination hanggang January 20, mahigit 56.8 milyong indibiduwal na ang maituturing na fully vaccinated habang 65 milyon naman ang nakatanggap na ng unang dose.

Nasa kabuuang 122,321,531 vaccine doses naman ang naibigay sa buong bansa, kabilang ang 5.87 milyong booster doses.

TAGS: COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, KarloNograles, RadyoInquirerNews, COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, KarloNograles, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.