Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Biyernes ng hapon (January 21), pumalo na sa 3,357,083 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 291,618 o 8.7 porsyento ang aktibong kaso.
9,015 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 277,833 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,979 ang moderate, 1,487 ang severe, habang 304 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 156 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 53,309 o 1.59 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 16,385 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,012,156 o 89.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.