Smuggled na sigarilyo na unang idineklara bilang “used furniture” nasabat ng BOC
Sa pamamagitan ng pinaigting na intelligence sharing at kooperasyon, nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang smuggled na sigarilyo sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Huwebes, January 20.
Mula sa China, dumating ang kargamento sa Mindanao Container Terminal noong January 14.
Nag-ugat ang operasyon nang matanggap ang impormasyon mula sa Intelligence Group noong January 10, 2022. Inalerto ang Port of Cagayan De Oro (CDO) Field Station sa posibleng tangkang smuggling sa terminal.
Agad naglabas ng Pre-lodgement Control Order si Atty. Elvira Cruz, District Collector ng pantalan, laban sa shipment dahil sa posibleng paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Naka-consign ang kargamento sa UHE Trading.
Sa physical examination, tumambad ang sigarilyo na may tatak na “YS” na nagkakahalaga ng P8,000,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.