Umabot na sa humigit-kumulang 20,000 indibiduwal ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 sa Maynila.
Base ito sa datos ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office hanggang 12:00, Biyernes ng tanghali (January 21).
Sinabi ng MDRRMO na nasa 20,136 indibiduwal na ang kabuuang bilang ng nabakunahan sa 24/7 drive-thru booster shot vaccination drive sa Quirino Grandstand.
Katumbas ito ng 7,882 sasakyan na nagtung sa vaccination area.
Matatandaang sinimulan ang 24/7 drive-thru vaccination area noong January 13, 2022.
Maaring magpabakuna sa vaccination site kahit hindi residente ng naturang lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES