18 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Kanlaon

By Angellic Jordan January 21, 2022 - 12:21 PM

Naobserbahan ng Phivolcs ang dagdag na aktibidad sa Bulkang Kanlaon.

Base sa abiso bandang 10:30, Biyernes ng umaga, nakapagtala ng 18 volcanic earthquakes ang Kanlaon Volcano Network (KVN) sa nakalipas na 24 oras.

Kabilang sa nabanggit na aktibidad ang apat na mababaw na tornillo signlas na may kaugnayan sa magmatic gas movement sa bahagi ng upper volcanic slopes.

Hanggang 200 metro lamang ang inabot ng low steam-laden plumes ng bulkan.

Sa kabila ng dagdag na aktibidad, nananatili pa rin sa Alert Level 1 o nasa abnormal condition ang Bulkang Kanlaon.

Patuloy na pinapayuhan ang mga lokal na pamahalaan at ang publiko na bawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

TAGS: InquirerNews, kanlaon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, InquirerNews, kanlaon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.