Bilang ng mga Filipino na ayaw magpabakuna vs COVID-19, bumaba – SWS

By Angellic Jordan January 21, 2022 - 11:42 AM

Bumaba ang bilang ng mga Filipino na ayaw magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19, base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa survey na walong porsyento na lamang ang ayaw magpabakuna, kung saan pitong porsyento ang nagsabing “will surely not get it” habang isang porsyento ang “will probably not get it”.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 18 porsyento noong September 2021, 21 porsyento noong June 2021, at 33 porsyento noong May 2021.

Bumaba ang bilang ng mga Filipino sa ayaw magpabakuna sa lahat ng parte ng Pilipinas.

Base pa sa survey, anim na porsyento ng adult Filipinos ang sumagot ng “uncertain” o hindi pa sigurado kung magpapabakuna.

Nasa 50 porsyento naman ang nagsabing nakatanggap na sila ng bakuna; 38 porsyento ang nakakuha ng dalawang dose habang 13 porsyento ang isang dose pa lamang.

Sa datos naman ng mga hindi pa bakunado, 35 porsyento ang nagpahayag na nais makatanggap ng bakuna, kung saan 33 porsyento ang sumagot ng “will surely get it” at tatlong porsyento ang “will probably get it”.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 adults sa buong bansa noong December 12 hanggang 16 sa nakalipas na taon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagkakasa ng gobyerno ng COVID-19 vaccination drive upang makamit ang population protection sa bansa.

TAGS: COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SWS, COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.