Ngitngit sa serbisyo sa Dito Telecom bumaha sa social media

By Jan Escosio January 20, 2022 - 09:29 PM

Kaliwat kanan ang paglalabas sa social media ng labis na pagkadismaya at matinding galit ng mga subscribers ng Dito Telecommunity.

 

Ilang araw nang inirereklamo ng Dito subscribers ang palpak na serbisyo lalo na ang mga nasa work from home arrangement.

 

Partikular na inireklamo ang mahina o walang signal, mabagal o walang internet signal, hindi gumaganap app at SIM cards na hindi maaring magamit sa ilang modelo ng cellphone, mga promo na hindi naman napapakinabangan at pangit na customer service.

 

Marami din sa mga reklamo ay mga promo na hindi naman napapakinabangan, pagkawala ng load, gayundin ang mga hindi pa natatapos na mga cellsites.

 

Ang mga nag-post ng kanilang reklamo ay mula sa Luzon at Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.