Las Piñas pumasa sa 2021 Seal of Good Financial Housekeeping

By Jan Escosio January 20, 2022 - 09:26 PM

Ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Seal of Good Financial Housekeeping ang pamahalaang-lungsod ng Las Piñas.

 

Sinabi ni Mayor Imelda Aguilar ang pagkilala ay patunay lang ng maayos na pamahahala at pangangasiwa ng kanilang pondo.

 

Ang pagkilala ay base sa rekomendasyon ng DILG – Bureau of Local Government Supervision at napabilang ang Las Piñas City sa tatlong lungsod sa Metro Manila na nabigyan ng 2021 Good Financial Houskeeping, kasama ang Makati City at Muntinlupa City.

 

Lumabas naman ang sertipikasyon mula sa DILG-NCR noong nakaraang Nobyembre 5.

 

Ibinagahi naman ni DILG-NCR Dir. Ma. Lourdes Agustin, ang criteria ay base sa pinakahuling audit opinion ng Commission on Audit at pagsunod sa full disclosure policy.

 

Labis naman ang pasasalamat ni Aguilar sa pagkilala at nangako na ipagpapatuloy ang mabuting pamamahala at pagbibigay serbisyo sa mga Las Piñeros.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.