Ulat ng World Bank na mabagal ang COVID-19 vaccination sa Pilipinas, pinalagan ng DOH

By Chona Yu January 20, 2022 - 03:05 PM

Pumalag si Health Secretary Francisco Duque III sa ulat ng World Bank na mabagal at kulelat ang Pilipinas sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Duque, hindi dapat na ihambing ng World Bank ang Amerika at Pilipinas.

Paliwanag ni Duque, nauna kasing magbakuna ang Amerika noong 2020 habang ang Pilipinas ay nagsimula lamang noong nakaraang taon.

Kung tutuusin, sinabi ni Dique na nag-stabilize lamang ang suplay ng bakuna ng Pilipinas nang mag-donate ang COVAX Facility sa bansa.

Pero bagama’t huli ang Pilipinas sa pagbabakuna, dapat aniyang tingnan ng World Bank na mababa pa rin ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at namamatay sa bansa.

Iginiit pa ni Duque na maraming sagabal na kinaharap ang Pilipinas gaya ng nagdaang Bagyong Odette dahilan para maantala ang pagbabakuna.

Kumpiyansa si Duque na magtutuloy-tuloy na ang pagbabakuna sa Pilipinas lalo’t sapat na ang suplay nito.

TAGS: COVIDvaccination, COVIDvaccine, doh, FranciscoDuqueIII, InquirerNews, RadyoInquirerNews, worldbank, COVIDvaccination, COVIDvaccine, doh, FranciscoDuqueIII, InquirerNews, RadyoInquirerNews, worldbank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.