Duque, hinikayat si Acosta na magpabakuna vs COVID-19

By Chona Yu January 20, 2022 - 12:11 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Personal na hinihikayat ni Health Secretary Francisco Duque III si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na magpabakuna na kontra COVID-19.

Apela ito ni Duque sa gitna ng patuloy na pagtanggi ni Acosta na magpabakuna.

Ayon kay Duque, sa tingin niya ay malapit ng maging senior citizen si Acosta kung kaya mas makabubuting magpabakuna na para magkaroon ng dagdag proteksyon laban sa COVID-19.

Available naman na aniya ang bakuna sa bansa at ayaw niyang malagay sa isang napakapeligrosong katayuan si Acosta na maaring maging severe o kritikal dahil lamang sa hindi pagpapabakuna.

Hindi maikakaila na kapag tinamaan ng virus ang mga senior citizen, malaki ang tsansa na mamatay o maging kritikal.

Pakiusap ni Duque kay Acosta, sa ngalan ng kalusugan at buhay niya, mas makabubuti na magpabakuna na.

Hindi naman sang-ayon si Duque sa pahayag ni Senator Franklin Drilon na sampal sa gobyerno ang hindi pagpapabakuna ni Acosta.

Ayon kay Duque, karapatan kasi ni Acosta kung ayaw magpabakuna.

Wala ring balak si Duque na sawayin si Acosta o patahimikin sa patuloy na pag ayaw na magpabakuna.

TAGS: COVIDresponse, COVIDvaccination, FranciscoDuqueIII, InquirerNews, PersidaAcosta, RadyoInquirerNews, COVIDresponse, COVIDvaccination, FranciscoDuqueIII, InquirerNews, PersidaAcosta, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.