‘Resbakuna sa Botika’ sa Maynila, umarangkada na

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Umarangkada na ang ‘Resbakuna sa Botika’ sa Mercury Drugstore Malate President Quirino Branch sa Maynila.

Pinangunahan nina Health Secretary Francisco Duque III at Manila Mayor Isko Moreno ang pagbabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Dr. Meilee Mantilla, Physician ng Mercury Drugstore, 50 doses ng bakuna ang nakalaan sa araw ng Huwebes, January 20.

Bukas ang bakunahan sa Mercury Drugstore tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Dalawang pharmacists ng Mercury Drugstore ang magsisilbing vaccinators Katuwang ang isang doktor at apat na nurses.

Read more...