Mobile at broadband global performance ranking ng Pilipinas, umangat noong Disyembre
Umangat ang Pilipinas sa mobile at broadband global performance rankings noong Disyembre, batay sa pinakahuling Ookla Speedtest Global Index.
Mula sa 46.44 Mbps noong Nobyembre, bumilis pa sa 50.26 Mbps ang fixed broadband sa bansa sa huling buwan ng 2021.
Ang latest download speed ay nangangahulugan ng 8.22% month-to-month at 9-notch improvement sa global ranking para safixed broadband.
Bumuti rin ang mobile speed sa bansa na nakapagtala ng download speed na 19.20 Mbps mula sa 18.68 Mbps. Ang latest download speed ay nangangahulugan ng 2.78% month-to-month increase sa speed para sa mobile.
Bunsod nito, umakyat sa ika-63 ang Pilipinas sa fixed broadband speed mula sa 178 na bansa at pang-89 sa mobile speed mula sa 138 na bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.