Tinanggap ng Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga donasyon mula sa isang pribadong organisasyon.
Base sa inilabas na pahayag ng MMDA, P50 milyong halaga ng rapid antigen kits at P50 milyong cash ang ibinigay ng Pitmaster Foundation.
Ipamamahagi naman ang mga naturang donasyon sa 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Nangako din ang grupo na magbibigay din ng mga ambulansiya at COVID 19 home care kits sa mga LGUs sa kapitolyong rehiyon ng bansa.
Nabatid na ang Pitmaster Foundation ay subsidiary ng Lucky 8 Corporation na binigyan ng PAGCOR ng lisensiya para sa online sabong.
MOST READ
LATEST STORIES