Paglabas ng P1.18-B pondo para sa SRA ng health workers, aprubado na

By Chona Yu January 19, 2022 - 04:19 PM

Manila PIO photo

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagre-release ng P1.185 bilyong pondo mula sa contingent fund noong nakaraang taon para ipangbayad sa special risk allowance ng health workers.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, ilalaan ang pondo sa health workers na direktang tumutugon sa mga pasyente ng COVID-19 at hindi pa nakatanggap ng kanilang SRA.

Ayon kay Go, mga sundalo ng giyera sa pandemya ang health workers kung kaya marapat lamang na bigyan ng tamang kompensasyon.

Katunayan, ayon kay Go, mga bayani kontra COVID-19 ang health workers.

Sa ngayon, nasa 496,000 na health workers na ang nabigyan ng kani-kanilang SRA.

TAGS: BongGo, COVIDresponse, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SpecialRiskAllowance, SRA, BongGo, COVIDresponse, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SpecialRiskAllowance, SRA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.