Bibili si Manila Mayor Isko Moreno ng gamot na Bexovid, ang kauna-unahang generic anti-COVID drug sa buong mundo.
Ayon kay Moreno, ang Bexovid ang generic version ng Paxlovid na gawa ng kompanyang Pfizer.
Magagamit ang gamot para sa mga mayroong mild hanggang moderate na sintomas ng COVID-19.
Sinabi pa ni Moreno na inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Manila para sa compassionate special permit ng Bexovid.
“Ako po ay nagpapasalamat sa ating mga kaibigan sa FDA at kanilang inaksyunan ng mabilis ang ating application. Hindi natin basta-basta magagamit ang mga gamot na ito sa Covid kung wala tayong CSP. With the agency’s approval, pwede na natin maibigay sa mga pasyente kapagka dumating na ang ating advanced order,” pahayag ni Moreno.
Available aniya ang antiviral na gamot kahit sa mga hindi residente ng Manila.
“Katulad ng ating ‘open door’ policy, matutulungan ng makabagong gamot na ito ang sinumang nangangailangan. Walang pulitika dito sapagkat buhay ang mahalaga,” pahayag ni Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.