Nais ni Senator Christopher Go na gumawa ang Philhealth ng komprehensibong mental health package.
Kasama dapat aniya sa pakete ang konsultasyon at outpatient services para sa mental and behavioral conditions ng mga miyembro.
Kasabay nito, umapila din si Go sa Department of Health na gawing mas madali ang Medicine Access Program for Mental Health para sa mga gamot ng lahat ng mga Filipino.
Ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Health kailangan din makapagpatayo ng mga katulad ng National Center for Mental Health maging sa mga malalayong bahagi ng bansa.
Hinikayat din ni Go ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na palakasin ang kanilang COVID 19 Reintegration strategy para tulungan ang mga nakaranas ng moderate hanggang severe symptoms ng nakakamatay na sakit.
“This is to ensure that they regain their full health and become more productive members of our society again,” sabi pa ng senador.