Unused data ng Globe subscribers puwedeng pang-tulong sa Odette victims

By Jan Escosio January 19, 2022 - 10:43 AM

Maaring gawing donasyon ng mga Globe subscribers sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Odette ang kanilang data mula sa kanilang reward points.

 

Noong Enero 15, sinimulan ang paraan ng pagtulong at ang kailangan lang ay pumunta sa Reward Points ng GlobeOne app ang subscribers, pindutin ang convert data.

 

Maari silang pumili sa mga sumusunod;

 

P10 – 1GB

 

P50 – 5GB

 

P100 – 10GB

 

Gagamitin sa relief efforts ng mga donasyon ng subscribers sa pakikipagtulungan ng Globe sa Ayala Foundation, GMA Kapuso Foundation, Rise Against Hunger, Tzu Chi Foundation, ABS CBN Foundation at PGH Foundation.

 

“Our aim si to arm our customers with as many options as possible to help and reach our kababayans affected by typhoon Odette – all from the safety of their homes,” sabi ni Issa Guevarra-Cabreira, chief commercial officer ng Globe.

 

Dagdag pa ni Cabreira, ang paraan na ito ng donasyon ay ang kauna-unahan sa industriya at kasabay nang paggamit ng data subscriptions ay nakakatulong pa ang kanilang subscribers sa kanilang kapwa.

 

Samantala, maari pa ring magbigay ng donasyon sa pamamagitan ng Globe Rewards ar GCash.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.