Manila Dolomite Beach target gawin vaccination site

By Chona Yu January 19, 2022 - 10:05 AM

Pinag aaralan na ni Manila Mayor Isko Moreno na gawin na rin vaccination site  ang kontrobersyal na Dolomite Beach sa Roxas Boulevard.

 

Ayon kay Moreno, kailangan muna nilang matiyak na uubra ang lugar para gawing bakunahan.

 

Hindi maikakaila aniya na ang Dolomite Beach ang isa sa mga lugar sa Manila na karaniwang dinudumog ng tao.

 

Kailangan aniyang malaman muna kung tapos na ang konstruksyon sa Dolomite Beach at kung ligtas sa tao.

 

Mahalaga aniya na isalang-alang ang kaligtasan ng mga nagpapabakuna, gayundin ng mga nagbabakuna.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.