Paglipat ng kulungan kay Kerwin Espinosa pinag-aaralan ng DOJ

By Jan Escosio January 19, 2022 - 09:42 AM

Seryosong ikinukunsidera ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ilipat sa ibang kulungan si Kerwin Espinosa matapos mabuko ang planong pagtakas nito.

 

“We believe that Kerwin Espinosa should be transferred to a more secure detention facility in view of the numerous cases that he us currently facing,” sabi ng kalihim.

 

May mga nakabinbing kaso si Espinosa sa mga korte sa Maynila at Leyte, gayundin sa Department of Justice.

 

Noong nakaraang buwan, ibinasura ang drug case ni Espinosa ng isang korte sa Makati City dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya sa panig ng prosekusyon.

 

Sinabi lang ni Guevarra na kung aalisin sa NBI detention facility si Espinosa kailangan nila na hilingin sa korte ang paglipat sa kanya.

 

Aniya karaniwan na ang mga detenido na walang piyansa ang kinahaharap na kaso ay inililipat sa kulungan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology.

 

Noong nakaraang Huwebes, nakarating sa pamunuan ng NBI ang planong pagtakas ni Espinosa at dalawang iba pang detenido sa pamamagitan ng butas sa kanilang selda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.