Panukala para sa proteksyon sa mga guro inihain ni Sen. de Lima

By Jan Escosio January 19, 2022 - 08:27 AM

Para magkaroon ng proteksyon ang mga guro at ibang kawani ng eskuwelahan mula sa mga maling at malisyosong aku, inihain ni Senator Leila de Lima ang isang panukala.

 

Paliwanag ni de Lima sa kanyang Senate Bill No. 2477, kailangan na may support mechanisms para sa mga public school teacher at school personnel kaugnay sa pagdidisiplina sa mga estudyante gayundin sa pangangasiwa sa silid-paaralan.

 

“With the advent of technology and social media, teachers, along with other school personnel have become vulnerable to attacks and malicious false accusations,” diin nito.

 

Dagdag pa ng senadora, nararapat lamang na mabigyan din ng katulad na proteksyon ang mga guro tulad ng ibinibigay sa mga estudyante.

 

Paliwanag pa nito, kailangan din naman dumaan sa tamang proseso ang mga alegasyon sa mga guro at hindi dapat nauuwi sa pagpaparusa sa kanila at pagkawala ng kanilang trabaho.

 

Nakasaad sa Classroom Management Support and Protection for Teachers Act, mandato ng Department of Education na gumawa ng guidelines sa pangangasiwa ng mga guro at iba pang kawani ng eskuwelahan sa classroom.

 

Diin ni de Lima kailangan na bigyan kapangyarihan na madisplina ng mga guro ang mga pasaway na estudyante ayon sa nakasaad sa mga batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.