DOTr, pumirma sa single largest rail contract para sa PNR Bicol
Pumirma ang Department of Transportation (DOTr) sa single largest rail contract para sa unang 380 kilometers ng Philippine National Railways (PNR) Bicol Project.
Kasama sa P142-billion Design-Build contract ang Joint Venture of China Railway Group Ltd., China Railway No. 3 Engineering Group Co., Ltd., at China Railway Engineering Consulting Group Co., Ltd. (CREC JV), para sa design, construction, at electromechanical works sa naturang proyekto.
“This milestone is a huge leap towards realizing this long-awaited project – the PNR Bicol or the South Long Haul Project. We are grateful to our development partners from China for supporting us in this endeavor and believing that the Filipino people deserve an improved quality of life,” pahayag ni Transportation Secretary Art Tugade.
Magmumula ang unang 380 kilometro sa Banlic, Calamba hanggang Daraga, Albay.
Kabilang sa proyekto ang konstruksyon ng 23 stations, 230 tulay, 10 passenger tunnels, at isang 70-hectare depot sa San Pablo, Laguna.
Sinabi ni PNR General Manager Junn Magno na welcome sa kanila ang naturang proyekto upang makapaghatid ng komportableng biyahe sa mga commuter.
Bubuoin ang 565 kilometrong railway ang PNR Bicol, na magkokonekta sa Metro Manila patungo sa Sorsogon at Batangas.
Oras na maging operational, magiging apat na oras na lamang ang biyahe sa pagitan ng Metro Manila at Bicol, mula sa dating 12 oras.
Tatakbo ang passenger trains sa bilis na hanggang 160 kilometers per hour, habang ang freight trains naman ay tatakbo ng hanggang 100 kilometers per hour.
Sa kasagsagan ng konstruksyon, inaasahang magbubukas ang naturang proyekto ng humigit-kumulang 5,000 direct jobs kada taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.