Base kasi sa vaccination card na na inisyu ng QC LGU, first dose ng COVID-19 vaccine pa lamang ang natatanggap ng naturang pasahero.
Nilinaw naman nito na hindi sila ang pumigil sa babae. Base sa kanilang nakalap na impormasyon, ito ay operasyon ng Highway Patrol Group.
Kasunod nito, umapela ang QC LGU sa mga kapwa lingkod-bayan na mas maging maingat at makatao sa pagpapatupad ng mga polisiya at batas.
“Sa Quezon City, magiging maunawain ang lokal na pamahalaan sa sinumang nakatapos ng first dose at magpapa-schedule pa lamang ng second dose, o kaya naman ay may medical condition kaya hindi makapagbakuna,” saad nito.
Sa ngayon, magbibigay na lamang muna ng babala ang kanilang law enforcement cluster.
Ayon pa sa Quezon City government, maaring ihatid ng QBus ang mga nais magpabakuna sa mga vaccination site.