QC LGU, umapela sa mga kapwa lingkod-bayan na maging makatao sa pagpapatupad ng mga batas
Naglabas ng pahayag ang Quezon City government ukol sa babaeng sinita sa EDSA carousel bus sa kabila ng ipinakitang vaccination card.
Base kasi sa vaccination card na na inisyu ng QC LGU, first dose ng COVID-19 vaccine pa lamang ang natatanggap ng naturang pasahero.
Nilinaw naman nito na hindi sila ang pumigil sa babae. Base sa kanilang nakalap na impormasyon, ito ay operasyon ng Highway Patrol Group.
Kasunod nito, umapela ang QC LGU sa mga kapwa lingkod-bayan na mas maging maingat at makatao sa pagpapatupad ng mga polisiya at batas.
“Sa Quezon City, magiging maunawain ang lokal na pamahalaan sa sinumang nakatapos ng first dose at magpapa-schedule pa lamang ng second dose, o kaya naman ay may medical condition kaya hindi makapagbakuna,” saad nito.
Sa ngayon, magbibigay na lamang muna ng babala ang kanilang law enforcement cluster.
Ayon pa sa Quezon City government, maaring ihatid ng QBus ang mga nais magpabakuna sa mga vaccination site.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.