Sen. Zubiri may panukalang P20-B rehab fund para sa mga nasalanta ng bagyong Odette

By Jan Escosio January 18, 2022 - 06:54 PM

Naghain ng panukala si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri para mapaglaanan ng P20 bilyon ang rehabilitasyon ng mga lalawigan na labis na nasalanta ng bagyong Odette.

Tinawag ni Zubiri ang kanyang Senate Bill 2487 na “Paglaum Fund of 2022”.

“We were in Visayas and Mindanao recently, and we saw just how bad the situation really is on the ground. Everything’s been flattened down, especially in places like Dinagat and Siargao. Homes and livelihoods have been wiped out. So we really need a substantial budget to help affected provinces rebuild and recover from the typhoon,” aniya.

Ibinahagi ni Zubiri nang maghatid-tulong siya sa mga nasalantang lugar sa Visayas at Mindanao, nakausap niya ang ilang lokal na opisyal at napag-usapan nila ang tungkol sa rehabilitasyon.

Hanggang noong nakaraang linggo, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 2.2 milyong pamilya ang naapektuhan ng bagyo at aabot sa P29.2 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura.

Paliwanag niya sa kanyang panukala, gagawa ang NDRRMC ng rehabilitation fund para sa Department of Budget, para kilalanin ang mga imprastraktura na kailangang maisaayos.

TAGS: InquirerNews, JuanMiguelZubiri, Paglaum Fund of 2022, RadyoInquirerNews, Senate, InquirerNews, JuanMiguelZubiri, Paglaum Fund of 2022, RadyoInquirerNews, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.