Isa pang preso ng Bilibid, nakatakas

BuCor photos

Hindi tatlo kundi apat na preso sa Maximum Security Compound ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang nakatakas, Lunes ng madaling araw (January 17).

Nadiskubre ng mga taga-Bureau of Corrections (BuCor) na nawawala ang preso na kinilalang si Chris Ablas.

Nasentensiyahan si Ablas ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa kasong robbery with homicide.

Nabatid na naka-lockdown pa rin ang Maximum Security Compound kasabay nang paghahanap kay Ablas at kay Drakilou Falcon, na nakulong dahil sa mga kasong robbery with homicide at illegal possession of firearms.

Napatay naman sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad sina Pacifico Adlawan at Arwin Bio.

Nag-alok na ang BuCor ng P100,000 pabuya para sa impormasyon na hahantong sa pagkakaaresto kay Falcon.

Read more...